^

Probinsiya

Bigtime na ‘tulak’ tiklo sa P4.4-M shabu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Bigtime na �tulak� tiklo sa P4.4-M shabu
Kinilala ni P/Supt. Alvin Ruby Consolacion, hepe ng Dasmariñas City Police, ang suspek na si Bokhari Hajisaman Mapandi alyas Bilog, 24-anyos at residente ng Blk. 1, Lt. 62, Satellite Homes 2, Brgy. San Jose Dasmariñas City.

CAVITE  , Philippines  —  Arestado ang isang vendor na kilalang bigtime na tulak ng droga sa kanilang lugar at nakuhanan ng may mahigit sa P4 mil­yong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Dasmariñas Police sa Brgy. San Jose, Dasmariñas City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Supt. Alvin Ruby Consolacion, hepe ng Dasmariñas City Police, ang suspek na si Bokhari Hajisaman Mapandi alyas Bilog, 24-anyos at residente ng  Blk. 1, Lt. 62, Satellite Homes 2, Brgy. San Jose Dasmariñas City.

Sa ulat ng pulisya, ala-1:00 ng madaling araw nang ikasa ng mga operatiba ng CDEU, kasama ang PDEA ang buy-bust operation sa Satellite Homes 2 Subd., Brgy., San Jose kung saan isang pulis ang nagpanggap na buyer at nakipag-deal sa suspek.

Matapos ang bentahan, rito na dinakma ang sus­pek ng mga pulis at nakuha dito ang 6 na sachet ng 660 gramo ng shabu na tinata­yang nagkakahalaga ng P4,488,000, isang digital weighing scale at P5,000 marked money.

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with