^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Firing squad sa drug traffickers

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Firing squad sa drug traffickers

LAGANAP ang shabu sa bansa. Kahit saang sulok meron na. Maski ang mga barangay na liblib na hindi pa naaabot ng kuryente at tubig, may shabu na. Marami na sa mga residente ang marunong mag-shabu. Ang resulta, marami na ring “halimaw” na nanggagahasa at pinapatay pa ang biktima. Marami na ring nakawan at holdapan ang nangyayari sapagkat walang maitustos sa bis­yong shabu. Mas nauna pang makarating ang shabu kaysa sa serbisyo ng gobyerno.

At ngayong marami na namang shabu ang pumasok sa bansa dahil sa kaluwagan ng Bureau of Customs, marami na namang lilikhaing halimaw at krimen. Ayon sa PDEA, umaabot sa P6.8 bilyong­ halaga ng shabu ang naipasok at nakalusot sa Customs. Nakalagay sa magnetic lifters ang mga shabu. Tatlong magnetic lifters ang natagpuan sa Cavite pero wala nang laman. Itinanggi naman ng Customs na may lamang shabu ang magnetic lifters.

Talamak ang shabu smuggling at nangyayari ito dahil sa mga corrupt sa Customs. May naka­lusot nang bilyong pisong halaga ng shabu noong nakaraang taon sa Customs sa ilalim ni dating Comm. Nicanor Faeldon pero nauulit muli nga­yon. Malakas ang loob ng drug traffickers dahil natatapalan ng pera ang mga corrupt sa Customs. Paulit-ulit lang ang pangyayari at walang nahuhuli.

Nakaaalarma na ang talamak na pagdagsa ng shabu kaya naisip ni Sen. Manny Pacquiao na makabubuting i-firing squad ang mga drug traffickers na mahuhuli particular ang mga foreigner. Kailangang masampolan umano ang mga ito para matakot na. Kung hindi raw ganito ang gagawin, darami pa ang shabu sa bansa.

May katwiran si Pacman. Dapat ngang i-firing squad ang mga drug traffickers pero dapat ding isama ang mga corrupt sa Customs na hinayaang maipasok ang shabu. Hindi maipapasok sa bansa ang illegal drugs kung walang kakutsabang corrupt sa Customs.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with