Sa ulat ni Rear Admiral Rene Medina, commander ng Naval Forces Western Mindanao, kinilala ang napatay na si Absulajim Abdulgani alyas Suraka Ingog.
File Photo
Lider ng Abu Sayyaf todas sa bakbakan
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umiskor ang intelligence operatives ng Philippine Marines Ready Force, Philippine Army at ang Special Action Force (SAF) Battalion ng pulisya matapos na mapatay sa engkuwentro ang isang notoryus na sub–leader ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Brgy. Kalimayan, Latih, Patikul, Sulu nitong Miyerkules ng madaling araw.

Sa ulat ni Rear Admiral Rene Medina, commander ng Naval Forces Western Mindanao, kinilala ang napatay na si Absulajim Abdulgani alyas Suraka Ingog.

Si Abdulgani umano ay kilalang bomb expert at nakatala bilang number 5 sa periodic status report sa  ilalim ng grupo ni Muamar Askali.

Narekober  sa napa­tay na rebelde ang isang cal .45 pistol na may maga­zine, 10 rounds ng bala ng cal 45, tatlong rounds ng bala ng cal 7.62 at P2,421.00 cash.

Bago ang engkuwentro, bandang alas-4:30 kamakalawa nang makasagupa ng tropa ng 41st Infantry Battalion ng Army ang mga bandido sa isinagawang operasyon sa Brgy.Tigian, Buhanginan, Sulu bandang alas-4:30 ng hapon.

Ayon kay AFP-Western Mindanao Command Spokesman Col. Gerry Besana, nasawi ang isang Abu Sayyaf habang sugatan ang dalawang sundalo at anim pang terorista. Ang napaslang ay nakilalang si Ulia Laduan habang ang mga nasugatan ay sina Ben Ulamah at Jehad Usman pawang ng Brgy. Danag, Patikul, Sulu. (Rhoderick Beñez)

ABU SAYYAF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with