^

Probinsiya

Kapitan, kagawad 2 pa huli sa droga

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Kapitan, kagawad 2 pa huli sa droga
Kinilala ang mga suspek na sina Nestor Solaiman Salama, barangay chairman ng Batongkayo, Datu Montawal, Maguindanao at kanyang asawang si Norhata Salama; barangay kagawad na si Kabunto Batohan; mga hinihinalaang miyembro ng MILF at si Johari Jumbaga na isang high value target ng PDEA ARMM.
Boy Santos

NORTH COTABATO, Philippines — Arestado ang apat katao na kabilang ang isang barangay captain at kagawad matapos isilbi ng joint elements ng PDEA 12, PDEA-ARMM, PNP Region 12 at SAF ang apat na search warrants sa kanilang mga tahanan sa Mercado Street, Barangay Poblacion, Kabacan, lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Nestor Solaiman Salama, barangay chairman ng Batongkayo, Datu Montawal, Maguindanao at kanyang asawang si Norhata Salama; barangay kagawad na si Kabunto Batohan; mga hinihinalaang miyembro ng MILF at si Johari Jumbaga na isang high value target ng PDEA ARMM.

Nakuha sa mga suspek ang malalaking sachet at pitong maliit na sachet ng hinihinalang shabu, isang cal. 40 pistol na may dalawang magazine; isang Toyota Fortuner; isang Isuzu D-Max at iba pang mga mahahalagang dokumento sa isinagawang operasyon pasado alas-3 ng madaling araw noong Lunes.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with