^

Probinsiya

2 militia men, buntis utas sa ambush!

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
2 militia men, buntis utas sa ambush!
Kinilala ang mga nasawing CAA na sina Richard Wacan at isang alias Maro, kapwa nasa hustong gulang.

NORTH COTABATO , Philippines  —  Dalawang Civilian Active Auxiliary o CAA at isang ginang na buntis ang nasawi sa naganap na pananambang ng ‘di pa kilalang mga suspek sa Brgy. Ginatilan, Pikit, North Cotabato kahapon ng hapon.

Kinilala ang mga nasawing CAA na sina Richard Wacan at isang alias Maro, kapwa nasa hustong gulang.

Ayon kay P/Sr. Insp. Arvin John Cambang, deputy chief of police dito na may isang buntis na nakilalang si Hasna Buka ang nadamay at nasawi sa ambush.

Ang mga biktima ay pawang nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibat bahagi ng kanilang katawan.

Sa ulat ni P/Supt. Bernard Tayong, taga­pagsalita ng Cotabato Police Provincial Office, sakay ang mga biktima sa motorsiklo at binabagtas ang daan buhat sa Poblacion ng Pikit at pagdating sa tapat ng Dalandag National High School ay tinamba­ngan sila ng mga suspek at pinagbabaril ng matataas na kalibre ng baril.

Sinunog pa umano ng mga suspek ang motorsiklo ng mga biktima.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with