^

Probinsiya

Kawani ng PhlPost, 1 pa dedo sa tandem

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Kawani ng PhlPost,  1 pa dedo sa tandem
Ayon sa Talavera Police, sakay ng motorized tricycle ang dalawang biktima na nakilalang sina Arnold Castillo, empleyado ng PhlPost, may-asawa ng Brgy. Sicsican, Talavera at Hermogenes Flores, isang real estate agent, may-asawa ng Brgy. San Pascual, Talavera.

NUEVA ECIJA  , Philippines  —  Kapwa nasawi ang em­pleyado ng Philippine Postal Office (PhlPost) at isang ahente ng lupa makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Calipahan, Tala­vera sa kasagsagan ng malakas na ulan dulot ng Habagat noong Linggo ng hapon.

Ayon sa Talavera Police, sakay ng motorized tricycle ang dalawang biktima na nakilalang sina Arnold Castillo, empleyado ng PhlPost, may-asawa ng Brgy. Sicsican, Talavera at Hermogenes Flores, isang real estate agent, may-asawa ng Brgy. San Pascual, Talavera.

Sa imbestigasyon, habang sakay ang dalawang biktima ng tricycle na may plakang OI-4835, nang sila ay pagbabarilin ng dalawang lalaking suspek na lulan naman ng hindi naplakahang motorsiklo na nasa kanilang likuran.

Matapos na mapuruhan ang mga biktima, agad na tumakas ang dalawang suspek.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with