^

Probinsiya

14-anyos PWD hulog sa irigasyon

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
14-anyos PWD hulog sa irigasyon
Nagsasagawa ng rescue at retrieval operation ang MDRRMC para sa nawawalang biktima na nakilalang si Alfred Madrid, isang deaf-mute ng naturang lugar.

NUEVA ECIJA  , Philippines  —  Pinaniniwalaang nalunod ang isang 14-anyos na binatilyong PWD (person with disability) makaraang tangayin ng malakas na agos ng tubig nang mahulog sa isang irigasyon sa Barangay Sinasajan, Peñaranda, lalawigang ito, iniulat kahapon.    

Nagsasagawa ng rescue at retrieval operation ang MDRRMC para sa nawawalang biktima na nakilalang si Alfred Madrid, isang deaf-mute ng naturang lugar.

Nabatid na alas-6:40 ng gabi noong Linggo nang mahulog at tangayin umano ng tubig si Madrid.

Ayon sa isang Bantay-Bayan member, ang biktima ay huling nakitang buhay dakong alas-2 ng hapon habang naglalakad sa ibabaw na bahagi ng nasabing irigasyon na tila may hinahanap.

Dahil sa walang tigil na pag-ulan, naging madulas ang konkretong ibabaw ng irigasyon sanhi upang madulas at mahulog sa tubig ang biktima at anurin umano ng malakas na agos ng tubig.

vuukle comment

DROWNED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with