^

Probinsiya

Bahay ng ex-governor nasunog

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Bahay ng ex-governor nasunog
a ulat ng Bureau of Fire Protection, isang two-storey residential house at isa pang 2-storey na paupahan na pag-aari ni dating Governor at Congressman Atty. Rodolfo Agbayani ang naabo matapos lamunin ng apoy sa Brgy. Don Mariano Marcos ng ba­yan na ito.

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya  , Philippines  —  Sa kabila ng kasagsagan ng ma­lakas na pagbuhos ng ulan, natupok ang dalawang gusali kabilang ang tahanan ng dating gobernador sa lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, isang two-storey residential house at isa pang 2-storey na paupahan na pag-aari ni dating Governor at Congressman Atty. Rodolfo Agbayani ang naabo matapos lamunin ng apoy sa Brgy. Don Mariano Marcos ng ba­yan na ito.

Sinabi ni Municipal Fire Marshall Erwin Dacumos, lumalabas na nagsimula ang apoy sa isa sa mga kuwarto sa ikalawang palapag ng residential house dakong alas-9:30 ng gabi na mabilis kumalat hanggang sa madamay ang isa pang gusali na pagmamay-ari rin ni Agbayani.

Sinabi ni Agbayani na nagkataon na wala silang mag-asawa sa kanilang bahay nang maganap ang sunog matapos silang magtungo sa kanilang farmhouse sa Barangay Magapuy sa bayan para dalawin ang kanilang anak na duma­ting para magbakasyon. Aniya, lahat ng kanyang mga memorabilia bilang abogado at mga alaala bilang isang politiko ay tinupok ng apoy kabilang na ang mga mamaha­ling personal collections nilang mag-asawa.

Nagpasalamat na lamang si Agbayani at walang nasaktan o napahamak sa  4-oras na pagsiklab ng apoy.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with