^

Probinsiya

Carwash attendant itinumba

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Carwash attendant itinumba
Naisugod pa sa ospital si Amigo pero idineklarang patay dakong alas-10:35 ng gabi dahil sa tama ng bala sa dibdib at tiyan.

MANILA, Philippines — Pinabulagta ng ‘di pa nakilalang gunman ang isang 37-anyos na carwash attendant habang naglilinis ng isang malaking truck sa gilid ng National Highway sa Purok Talisay, Brgy. Malasila, Makilala, North Cotabato, gabi ng linggo. Kinilala ang biktima na si Rowel Genita Amigo alias Kikay, ng Purok Kawayan, Sitio Balawan, sa nabanggit na barangay. Dakong alas-9:45 ng gabi kung saan nakausap pa umano ng biktima ang suspek nang biglang umikot sa malaking sasakyan sakay ng Bajaj na motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.

Naisugod pa sa ospital si Amigo pero idineklarang patay dakong alas-10:35 ng gabi dahil sa tama ng bala sa dibdib at tiyan. Ang biktima ay dati na umanong sumuko sa batas dahil sa diumano’y pagkakasangkot sa illegal na droga.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with