^

Probinsiya

2 ‘tulak’ tumba sa drug ops

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
2 �tulak� tumba sa drug ops
Kinilala ni P/Chief Insp. Alex Joe Orcajada ng Polomolok Police ang mga napatay na suspek na sina Abdul Magalino at Olive Tejero.

MANILA, Philippines — Bumulagta ang dalawang umano’y tulak ng droga matapos na manlaban sa mga awtoridad sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng pulisya sa Brgy. Pagalu­ngan, Polomolok, South Cotabato, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Chief Insp. Alex Joe Orcajada ng Polomolok Police ang mga napatay na suspek na sina Abdul Magalino at Olive Tejero.

Sa ulat, ang dalawang suspek ay nakorner ng mga pulis dakong alas-10:00 ng gabi sa Purok Masikap, Barangay Pagalungan. Matapos  nilang matunugan na pulis ang kanilang katransaksyon ay unang nagpaputok si Magalino sabay tangkang tumakas. Sumunod na nagpaputok si Tejero sanhi upang gumanti na ng putok ang mga pulis na ikinabulagta ng dalawang suspek. Isa pang kasamahan ng mga suspek ang nakatakas lulan ng motorsiklo.

Narekober sa lugar ang isang paltik na 38 revolver, dalawang basyo nito, apat na bala ng 5.56 mm, apat na basyo ng 9 mm na baril, dalawang pakete ng shabu at P500 marked money.

vuukle comment

ANTI-ILLEGAL DRUGS OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with