Sa ulat ng Mangatarem Municipal Police, hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang misis ng suspek na si Kagawad Philip Vicente na si Teresita.
Kagawad namaril: Misis dedo, tserman ligtas
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil lamang sa hindi pagkakasundo hinggil sa distribusyon ng bigas, napatay ng isang barangay kagawad ang kanyang misis nang aksidenteng ito ang kanyang mabaril imbes ang tunay niyang target na kanilang barangay chairman sa naganap na pamamaril sa bayan ng Mangatarem, Pangasinan nitong Huwebes.

Sa ulat ng Mangatarem Municipal Police, hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang misis ng suspek na si Kagawad Philip Vicente na si Teresita.

Isinugod naman sa pagamutan si Brgy. Bugtong Chairman Ronald Aquino, upang malapatan ng lunas sa tinamo nitong sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente sa Brgy. Bugtong Bunao, Mangatarem, Pangasinan bandang alas-12:00 ng tanghali.

Ayon sa pulisya ang pamamaril ay nag-ugat sa distribusyon ng 33 sako ng bigas na ipinamahagi ng Department of Agriculture (DA).

Nabatid na sa kainitan ng pagtatalo ay big­lang bumunot ng baril si Kagawad Vicente at binaril si Aquino kung saan ang napuruhan ay ang misis mismo ng suspek na nakatayo sa tabi ng target.

Narekober sa crime scene ang isang Colt Combat Commander cal .45 pistol at mga basyo ng bala.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong parricide at frustrated homicide.

CRIME SHOOING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with