Nakabulagta pa sa gilid ng kalsada sa Brgy. Duhat sa Bocaue, Bulacan ang drug suspek na si Alyas ‘Toto’ matapos na pumalag sa mga pulis sa ikinasang drug-bust laban sa kanya.
(Kuha ni Boy S. Cruz)
4 tumba sa Bulacan
Boy S. Cruz (Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong lalaki na sinasabing ‘tulak’ ng shabu ang bumulagta habang isa pa na miyembro ng robbery hold-up gang ang nasawi matapos na isagawa ng pulisya ang magkakasunod na operasyon sa iba’t ibang bayan sa Bulacan kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawing drug suspek na sina Estong Villanueva, Kelvin Acuña, isang alyas na ‘Toto’ at ang robbery holdup member na si alyas ‘Osbet’, pawang mga nasa hustong gulang.

Sa ulat ng pulisya, sa pagitan ng alas-12:00 at ala-1:00 ng madaling araw ng mapaslang sa drug-bust sina Villanueva sa San Ildefonso, Acuña sa isang lugar sa bayan ng Plaridel, at ‘Toto’ sa isang lugar sa Brgy. Duhat sa Bocaue, kapwa mga nanlaban sa mga parak na nagsilbing poseur buyer.

Sa isang lugar naman sa Brgy. Pala-Pala sa San Ildefonso nang biglang dumaan sa mga pulis si ‘Osbet’ lulan ng isang motorsiklong walang plaka saka binuntutan ito ngunit nakahalata ito na naging dahilan upang paputukan ang mga pulisya habang tumatakas na ikinasawi naman nito.

Narekober sa magkakasunod na ope­rasyon ang tatlong .38 rebolber, isang .45 kalibre, mga bala at magazine, hindi pa mabatid na dami ng plastic sachet ng shabu,P1,500 pisong marked money at isang motorsiklong Yamaha MIO na walang plaka.

CRIME SUSPECT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with