Sanhi ng ilang tama ng punglo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, dead-on-the-spot si Abraham Cabuena, 49-anyos, taga-Barangay Cagayungan at isa sa mga nakisawsaw sa Oplan Tokhang noong 2016.
HVT sa narco-list ni Digong, nilikida
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bumulagta ang isang sinasabing high value target drug personality na nasa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang ratratin ng isang ‘di pa natutukoy na riding-in-tandem habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Barangay Nanguneg, Narvacan Ilocos Sur noong Huwebes.

Sanhi ng ilang tama ng punglo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, dead-on-the-spot si Abraham Cabuena, 49-anyos, taga-Barangay Cagayungan at isa sa mga nakisawsaw sa Oplan Tokhang noong 2016.

Ayon kay Chief Insp. Winnie De Vera, tagapagsalita ng Ilocos Sur PNP, dakong alas-10:00 ng umaga nang maganap ang pamamaslang kay Cabuena sa naturang lugar.

Pitong basyo ng bala ng kalibre.45 ang narekober ng SOCO sa crime scene.

Isa ang drug trade sa sinundang anggulo ng mga imbestigador bilang motibo sa krimen.

CRIME DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with