Kinilala ang mga nasugatang pulis na sina PO2 Jerry Quilicol at PO1 Edison Aguirre.
Police station inatake ng NPA: 2 pulis sugatan
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang pulis ang sugatan matapos na sa­lakayin ng nasa 50 hanggang 80 mga rebeldeng New People’s Army ang kanilang himpilan habang ilang armas naman ang natangay naganap sa Lapinig, Northern Samar kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasugatang pulis na sina PO2 Jerry Quilicol at PO1 Edison Aguirre.

Sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang salakayin ng mga rebeldeng komunista ang Lapinig Municipal Police Station (MPS) na lulan ng Elf truck at dump truck na may escort pang dalawang motorsiklo at pawang armado ng malalakas na kalibre ng armas tulad ng UZI, K3 submachine guns, M16, M14 at M 203 grenade launchers.

Nasugatan ang da­lawang pulis na nagdepensa sa nasabing himpilan. Anim lamang ang mga pulis sa nasabing himpilan nang mangyari ang insidente.

Nagawang matangay ng mga umatakeng rebelde na pinamumunuan ng isang alyas ‘Ka Marmar’ ang sampung M-16 rifles, dalawang Glock pistol, isang Beretta pistol, personal na laptop at isang USB na pag-aari ng hepe ng Lapinig Police na si Inspector Noli Montibon.

NEW PEOPLE’S ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with