Inutusan ng gunmen si Jericho na bumaba sa motorsiklo at dumapa sa kalsada.
Minero itinumba
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2018 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Dead-on-the spot ang isang minero matapos siyang barilin ng dalawang gunmen sa kahabaan ng provincial road ng Brgy. Malaya sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng umaga.  Kinilala ang biktimang si Edwin Serrano Pustigo, habang hindi naman sinaktan ang kanyang kasamahang minero na si Jericho Castro, 30-anyos, pawang mga residente ng Brgy. Macogon. Sa ulat ng Labo Police, dakong alas-8:30 ng umaga, lulan ng motorsiklo ang dalawang minero nang parahin sila ng dalawang ‘di nakilalang armadong suspek. 

Inutusan ng gunmen si Jericho na bumaba sa motorsiklo at dumapa sa kalsada. Gayunman, habang nakadapa sa kalsada narinig na lang ang isang putok ng baril at nang tingnan niya ay duguang nakabulagta ang biktimang si Pustigo habang tumakas naman sa ’di malamang direksyon ang mga suspek.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with