Bumulagta noon din ang naka-uniporme pang pulis na kinilalang si PO2 Ian Rey Abitona, nasa hustong gulang at nakatalaga sa Infanta Municipal Police Station bilang desk officer.
Photo coutesy by Counter Intelligence Task force
Ninja cop dedo sa drug ops
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang aktibong pulis na sinasabing kilabot na ‘ninja cop’ o nag-re-recycle ng mga nakukumpiskang illegal drugs ang napatay ng kanyang mga kabaro matapos siyang pumalag sa ikinasang buy-bust operation laban sa kanyan sa Brgy. Pilaway, Infanta, Quezon kahapon ng umaga.

Bumulagta noon din ang naka-uniporme pang pulis na kinilalang si PO2 Ian Rey Abitona, nasa hustong gulang at nakatalaga sa Infanta Municipal Police Station bilang desk officer.

Ayon sa ulat, naka­tanggap umano ng sum­­bong mula sa PNP Coun­ter Intelligence Task Force (CITF) si CALABAR­ZON PNP Director Supt. Eduard Carranza tungkol sa kinasasangkutang iligal na gawain ni PO2 Abitona kung kaya’t nagkasa ng buy-bust operation dakong alas-7:35 ng umaga.

Nakahalata umano ang suspek na mga kabaro ang kanyang ka-deal kaya agad itong bumunot ng baril at nagpaputok dahilan para gumanti ang mga pulis hanggang sa siya’y duguang tumimbuwang.

Ayon sa ulat, sangkot umano ang suspek sa pagtutulak ng droga sa pamamagitan ng civilian asset at nire-recyle pa ang mga drogang nakukumpiska kung kaya sa dati niyang assignment bilang operatiba sa anti-drug unit ay inilipat ito ng puwesto bilang desk officer ngunit nagpatuloy sa iligal na gawain.

IAN REY ABITONA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with