Sanhi ng tama ng mga punglo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, agad na nasawi ang biktimang si Von Rian Tecson, 42-anyos, residente ng Barangay Napo ng nasabing lungsod habang nasugatan naman sa binti ang kanyang driver na si Arnulfo Bauyaban matapos na madaplisan ng ligaw na bala.
File Photo
PDEA agent, nilikida
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) habang sugatan naman ang kanyang driver matapos na paulanan ng bala ang kanilang sinasakyang behikulo ng isang riding-in-tandem sa naganap na ambush sa Barangay Parrelos, Carcar City sa Cebu, kamakalawa ng hapon.

Sanhi ng tama ng mga punglo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, agad na nasawi ang biktimang si Von Rian Tecson, 42-anyos, residente ng Barangay Napo ng nasabing lungsod habang nasugatan naman sa binti ang kanyang driver na si Arnulfo Bauyaban matapos na madaplisan ng ligaw na bala.

Batay sa salaysay ng mga nakasaksi, malapit nang sapitin ng biktima ang kanilang taha­nan nang biglang sumulpot ang mga salarin at saka sunud-sunod na pinababaril si Tecson.

Gumanti pa umano ng putok si Tecson kung saan tinamaan umano ang backrider.

Ayon sa kapatid ng biktima na si SPO1 Von Tecson na minsang naikuwento sa kanya ng kapatid na may nahuli siyang bigtime drug lord at buhat noo’y madalas nang nakatatanggap ng death threath.

Narekober sa pinangyarihan ng ambush ang nasa higit 30 basyo ng bala habang patuloy ang imbestigas­yon ng pulisya sa naturang kaso.

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with