^

Probinsiya

81-anyos lola kinatay ng adik na apo, tiyuhin inutas din

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
81-anyos lola kinatay ng adik  na apo, tiyuhin inutas din
Sa report kay Sr. Insp. Leonilo Ancheta, hepe ng Burgos Police, natagpuang naliligo sa sariling dugo ang lolang si Inecita Defiesta at anak na si Cesar Defiesta, 52, dakong alas-7:30 ng umaga ng kanilang kaanak na si Roger Defiesta, 49. ?

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan , Philippines  —    Brutal na kinatay ng isang pinaniniwalaang lango sa drogang mister ang sariling 81-an­yos na lola at tiyuhin sa nangyaring insidente ng pagnanakaw sa kanilang bahay sa Barangay Bessang, Burgos Ilocos Sur noong Huwebes. ?

Sa report kay Sr. Insp. Leonilo Ancheta, hepe ng Burgos Police, natagpuang naliligo sa sariling dugo ang lolang si Inecita Defiesta at anak na si Cesar Defiesta, 52, dakong alas-7:30 ng umaga ng kanilang kaanak na si Roger Defiesta, 49. ?

Ang suspek na nadakip sa isang follow-up operation ay ang apo ng matanda na si Alvin Defiesta, 19, na hawak pa ang duguang kutsilyo na ginamit sa pamamaslang.?

Ayon kay Ancheta, nakuha rin sa nakababatang Defiesta ang P4,000 na pinaniniwalaang kinulimbat nito sa mga biktima. ?

Nabatid na may re­kord ng paggamit ng droga ang suspek sa San Fernando City, La Union kung saan siya nanggaling bago inam­pon ng kanyang lola.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with