^

Probinsiya

Mag-iina natabunan sa landslide: 2 todas!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mag-iina natabunan sa landslide: 2 todas!
Kinilala ng Barbaza Police ang mga nasawi na sina Rosalia Agapito, 6 at kapatid na si Andrew, 3-taong gulang habang nagtamo naman ng sugat ang kanilang ina na si Tessie Agapito.

MANILA, Philippines — Dalawang bata ang nasawi habang malubhang nasugatan ang kanilang sariling ina matapos na matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay bunsod ng patuloy na ma­lakas na pag-uulan dahil sa masungit na lagay ng panahon kahapon ng madaling araw sa Antique.

Kinilala ng Barbaza Police ang mga nasawi na sina Rosalia Agapito, 6 at kapatid na si Andrew, 3-taong gulang habang nagtamo naman ng sugat ang kanilang ina na si Tessie Agapito.

Sa ulat, dakong alas-3 ng madaling araw habang natutulog ang mag-iina sa kanilang bahay sa Barangay Bananuan sa bayan ng Barbaza nang biglang gumuho ang lupa. Dahil umano sa lakas ng ulan sa magdamag dulot ng habagat kaya lumambot ang lupa at nagkaroon ng landslide at natabunan ang bahay ng mga biktima.

Nagtulong-tulong naman ang mga kapitbahay na hilahin ang mag-iina mula sa pagkakatabon ng mga putik at saka itinakbo sa ospital. Gayunman, binawian ng buhay ang dalawang paslit bago pa sila malapatan ng lunas.

vuukle comment

CRIME

LANDSLIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with