^

Probinsiya

Imam nilikida ng tandem

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Imam nilikida ng tandem
Kinilala ang biktima na si Kipo Miskinan, 60, at residente ng Brgy. Sisiman, Lutayan.

MANILA, Philippines — Pinabulagta ng ‘di pa nakilalang riding-in-tandem ang Imam ng mga mananampalatayang Islam makaraang tambangan at pagbabarilin sa Brgy. Blingkong, Lutayan, Sultan Kudarat, hapon nitong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Kipo Miskinan, 60, at residente ng Brgy. Sisiman, Lutayan.

Sa ulat kay P/Sr. Insp. Herman Luna, chief of police ng Lutayan Police Station, dakong alas-2:22 ng hapon nang sundan umano ng mga suspek na nakasakay ng motorsiklo ang biktima na nagmamaneho rin ng kanyang motorsiklo habang angkas nito ang kanyang asawa at isang bata. Nanggaling sa Tamnag Gym ang biktima upang kumuha ng kanilang social pension para sa senior citizen. Dito na umano siya binuntutan ng mga suspek at pagsapit sa nasabing lugar ay saka siya pinagbabaril.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. Nagtamo naman ng gasgas sa katawan ang asawa nito matapos matumba ang sinasakyan nilang motorsiklo habang nasa mabuting kalagayan ang kasama nilang bata.

vuukle comment

KIPO MISKINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with