^

Probinsiya

1 utas, 6 huli sa drug bust

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
1 utas, 6 huli sa drug bust
Kinilala lamang ang suspek sa alyas na ‘Orko’, nasa hustong gulang habang ang mga naaresto ay sina Jeffrey Palmones, 24; Ace Vivar, 26, kapwa ng Brgy. San Pedro; Jonathan Artiaga, 25, ng Brgy. Minuyan Proper, pawang sa San Jose del Monte City; Edmont Siongco, 33, live-in nitong si Martina Pinpin, 33, ng Brgy. Bagumbayan at Ferry Sandel, 37, ng Brgy. Bambang, kapwa sa Bocaue.

BULACAN  , Philippines  —  Isang lalaking nasa Badac watchlist ang napaslang habang anim pa kabilang ang maglive-in partner ang naaresto sa isinagawang drug bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa San Jose Del Monte City at Bocaue kagabi.

Kinilala lamang ang suspek sa alyas na ‘Orko’,  nasa hustong gulang habang ang mga naaresto ay sina Jeffrey Palmones, 24; Ace Vivar, 26, kapwa ng Brgy. San Pedro; Jonathan Artiaga, 25, ng Brgy. Minuyan Proper, pawang sa San Jose del Monte City; Edmont Siongco, 33, live-in nitong si Martina Pinpin, 33, ng Brgy. Bagumbayan at Ferry Sandel, 37, ng Brgy. Bambang, kapwa sa Bocaue.

Sa unang ulat ni P/Supt. Fitz Macariola ng San Jose Del Monte City PNP dakong ala 6:20 ng gabi ay nakipagkita ang lalaking asset at poseur buyer na pulis kay alyas Orko sa isang lugar sa Pleasant Hills, Brgy. San Manuel upang bumili ng shabu at habang nag-aabutan sila ng droga at marked money ay nakahalata ang suspek saka agad na binunot nito ang kanyang armas sanhi ng shootout na ikinabulagta ng huli. Arestado naman sina Palmones, Vivar at Artiaga sa isinagawang operasyon sa dalawang lugar sa naturang bayan at nahuli rin ng mga tauhan ni P/Supt. Jowen Dela Cruz ng Bocaue Police ang maglive-in na sina Siongco at Pinpin sa ikinasang operasyon sa Brgy. Bagumbayan at si Sandel naman ay natimbog sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Bambang, nasabing bayan.

 Narekober sa mga operasyon ang isang .38 revolver na baril, mga bala, 36 sachet ng shabu na nasa P158,000 halaga, 2 digital weighing scale, drug paraphernalias at P3,000 marked money.

vuukle comment

DRUG BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with