Dagupan City nasa ‘state of calamity’
MANILA, Philippines — Isinailalim na sa “state of calamity” ang Dagupan City sa Pangasinan matapos na lumubog sa baha ang mahigit 30 nitong barangay sanhi ng malalakas na pag-uulan at high tide.
Sa report ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), ang apektadong mga lugar ay sa Barangay Bacayao Sur, Bacayao Norte, Bolosan, Bonuan Binloc, Bonuan Boquig, Bonuan Gueset, Brgys. I, II, III , IV; Brgys. Calmay, Caranglaan, Herrero Perez, Lasip Chico, Lasip Grande, Lomboy, Lucao, Malued, Mamalingling, Mangin, Mayombo, Pantal, Poblacion West, Pogo Chico, Pogo Grande, Pugaro, Salapingao, Tambak , Salisay , Tapuac at Tebeng.
Agad namang minobilisa ang search and rescue team at inilikas sa mga evacuation centers ang mga apektadong residente.
Nagsimulang rumagasa ang baha sa lungsod nitong Huwebes ng gabi at nagpatuloy kinaumagahan kung saan ay nabulaga ang mga residente sa mataas na tubig baha. Minomonitor ngayon ang Calasiao kaugnay ng posibleng pag-apaw ng Marusay River na nasa critical level na sa taas na 10 talampakan ang tubig. Lubog din sa tubig-baha ang Mabini Road sa Mabini patungong Infanta, Dasol at Burgos; ang mga kalsada ng Binalonan, Lawak, Pozorrubio, Sison at Manaoag habang umapaw ang Marusay at Sinocalan River na nakaapekto naman sa ilang mga barangay sa Calasiao, Santa Barbara, San Fabian, Mabini, Aguilar, Labrador at Mangatarem.
- Latest