^

Probinsiya

2 ‘tulak’ tumba sa drug bust

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon
2 �tulak� tumba sa drug bust
Sinisiyasat ng SOCO ang nakabulagtang katawan ni Constantine Lester Belvis na nasawi matapos umanong kumasa sa mga tauhan ni P/Supt. Carl Omar Fiel habang isinasagawa ang drug bust operation sa Brgy. Pulong Buhangin, Santa Maria, Bulacan.
Kuha ni Boy Cruz

BULACAN , Philippines — Dalawang lalaking sinasabing notoryus na tulak ng shabu ang kapwa nasawi matapos ang panibagong drug bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Hagonoy at Santa Maria sa kasagsagan ng malakas na ulan bunsod ng bagyo kamakalawa.

Nagtamo ng ilang tama ng bala na kaagad na ikinasawi ng mga suspek na sina alyas “Henry”, nasa hustong gulang, walang permanenteng tirahan at Cons­tantine Lester Belvis, 30, ng Tierra Del Santa Maria, Brgy. Pulong Buhangin, Santa Maria.

Sa ulat ng Hagonoy Police, dakong alas-10:30 ng gabi habang nasa kasagsagan ng malakas na ulan ay nakipagkita ang poseur buyer na pulis kay Henry sa isang lugar sa Brgy. San Agustin, Hagonoy upang bumili ng shabu at habang tinatanggap ng huli ang marked money ay dito na umano siya nakahalata. Bumunot umano siya ng baril subalit inunahan na paputukan ng mga pulis na ikinabulagta ng suspek.

Samantala, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang magtungo ang isang asset at poseur buyer na tauhan ni P/Supt. Carl Omar Fiel ng Santa Maria Police sa bahay ni Belvis sa Brgy. Pulong Buhangin at bumili ng droga. Habang nag-aabutan ng shabu at marked money, nakahalata ang suspek kaya mabilis na pumasok sa kanyang kuwarto at kumuha ng armas. Pinaputukan umano nito ang mga pulis sanhi ng shootout na ikinasawi ng una.

Narekober ng SOCO sa magkahiwalay na crime scene ang isang .357 na revolver, isang .38 na revolver, walong pakete ng shabu, drug paraphernalias at dalawang tig-P500 marked money.

vuukle comment

DRUG BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with