^

Probinsiya

BJMP vehicle inambus: 3 preso patay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
BJMP vehicle inambus: 3 preso patay!
Kinilala ni Supt. Marlu Conag, Acting Chief of Police ng Talisay City ang mga nasawing preso na sina Yayam Gavio­la, 40; Marvin Abelgas, 27 at Jovencio Rabadon, 36 anyos; pawang binawian ng buhay sa Talisay City District Hospital matapos silang isugod dito ng kanilang mga jail escorts.

MANILA, Philippines — Tatlong inmates ang nasawi makaraang tambangan at paulanan ng bala ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan ang sinasakyan nilang service vehicle ng Bureau of Jail Management and Peno­logy (BJMP) habang patungo sa korte sa Talisay City, Cebu noong Biyernes ng umaga.

 Kinilala ni Supt. Marlu Conag, Acting Chief of Police ng Talisay City ang mga nasawing preso na sina Yayam Gavio­la, 40; Marvin Abelgas, 27 at Jovencio Rabadon, 36 anyos; pawang binawian ng buhay sa Talisay City District Hospital matapos silang isugod dito ng kanilang mga jail escorts.

 Nakaligtas naman sa pananambang ang dalawang BJMP personnel na ’di tinukoy ang mga pangalan at eskort ng tatlong preso. 

 Bandang alas-9:21 ng umaga habang patu­ngong Talisay City Hall ang service vehicle lulan ang mga preso nang pagsapit sa highway ng Brgy. Linao ay dinikitan ng isang motorsiklo lulan ang armadong mga la­laki.

 Ayon kay Conag, sina Gaviola at Abelgas ay pawang nahaharap sa kaso ng illegal na droga habang frustra­ted murder naman kay Rabadon.

Si Gaviola ay isang high value target (HVT) sa drug watchlist na umano’y may  koneksyon sa drug lord na si Steve Go. Siya ay nakulong matapos na mahulihan ng 110 gramo ng shabu habang si Abelgas ay isang HVT na nago-operate naman sa Cebu City at si Rabado ay konektado sa umano’y drug lord na si Frans Sabalones.

Sinabi ni Abrugena na ang naturang mga inmates ay maraming beses nang nahulihan ng cellphone sa kanilang selda sa Oplan Greyhound operations ng mga awtoridad at pinaniniwalaang kahit na nakakulong ay tuloy pa rin ang operas­yon ng illegal na droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with