^

Probinsiya

5 Sayyaf, sundalo utas sa encounter!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
5 Sayyaf, sundalo utas sa encounter!
Sinabi ni Col. Gerry Besana, spokesman ng AFP Western Mindanao Command (AFP-Westmincom), nasa 20 na ban­dido ang nakasagupa ng tropa ng militar sanhi ng pagkamatay ng isang sundalo at dalawa pa sa kanilang hanay ang nasugatan na inilipad na ng helicopter patungong Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City upang malapatan ng lunas.

7 pa sugatan

MANILA, Philippines — Limang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) at isang sundalo ang patay habang pito pa ang nasugatan kabilang ang lima sa mga kalaban matapos ang sagupaan ng militar at ekstremistang grupo upang iligtas ang nalalabi pang hostages sa  Sulu, ayon sa isang opisyal kahapon.

 Sinabi ni Col. Gerry Besana, spokesman ng AFP Western Mindanao Command (AFP-Westmincom), nasa 20 na ban­dido ang nakasagupa ng tropa ng militar sanhi ng pagkamatay ng isang sundalo at dalawa pa sa kanilang hanay ang nasugatan na inilipad na ng helicopter patungong Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City upang malapatan ng lunas.

 Sa unang bugso ng bakbakan dakong alas-12 ng hatinggabi kamakalawa sa hangganan ng Brgy. Tanum at Liang, Patikul, Sulu,  apat ang napatay sa mga bandido at lima ang nasugatan. Kinabukasan ng alas-9:30 ng umaga, sa hot pursuit operations ng mga elemento ng 1st Scout Ranger Battalion ay muli nilang nakasagupa ang nasa 20 Abu Sayyaf sa pamumuno ni Almadjan Sajhidjuan alyas “Apoh Mike” sa Brgy. Tabu-Bato, Maiumbung, Sulu na ikinasawi ng isa pang terorista at narekober dito ang isang M16 rifle.

Sa tala, walo pa ang hawak na hostages ng ASG kabilang ang ilang dayuhan na target na masagip ng tropa ng military at pulisya sa lalawigan.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with