^

Probinsiya

Mag-utol todas sa landslide

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mag-utol todas sa landslide
Kinilala ni Chief Ins­pector Bernabe Oribello, hepe ng Agoo Police ang mga nasawing biktima na sina John Jonard Dalao Galleros at Joseph, 11 taong gulang.

MANILA, Philippines — Nalibing nang buhay ang magkapatid na bata matapos na matabunan ng lupa ang kanilang tahanan nang gumuho ang isang bundok dahil sa patuloy na malakas na pag-uulan bunsod ng pananalasa ng habagat at bagyong Inday sa Brgy. San Franciso, Agoo, La Union nitong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ni Chief Ins­pector Bernabe Oribello, hepe ng Agoo Police ang mga nasawing biktima na sina John Jonard Dalao Galleros at Joseph, 11 taong gulang.

Sa ulat, bandang alas-4 ng madaling araw habang mahimbing na natutulog ang pamilya Galleros nang biglang gumuho ang bahagi ng bundok na tumabon sa kanilang bahay.

Samantala, narekober na ng search and retrieval team na nagresponde sa lugar kinaumagahan ang bangkay ng magkapatid matapos ang ilang oras na search and retrieval ope­rations.

vuukle comment

LANDSLIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with