^

Probinsiya

5 ‘tulak’ timbog sa P.35-M droga

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
5 �tulak� timbog sa P.35-M droga
Sa ulat, alas-2:45 ng hapon nang ilatag ang buy-bust operation sa Hawk St., East 2 Subd., Brgy. Molino 4 kung saan isang pulis ang nakipag-deal sa isa sa mga suspek na si Fida at dito bumili ng shabu.

CAVITE  , Philippines  —    Limang hinihinalang sangkot sa pagpapakalat ng illegal na droga ang naaresto kabilang ang isang target na babae kasabay ng pagkakakumpiska sa kanila ng may P350,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Drug Enforcement Unit ng Bacoor City Police at PDEA-Cavite sa isang subdivision sa Brgy. Molino 4, nasabing lungsod kamakalawa.

Kinilala ni P/Chief Insp. Ruben Ballera Jr., chief ng bacoor Police-Intel/DEU Section ang mga suspek na sina Has­maira Jiamal alyas Fida, 24, ng Hawk St., East 2 Subd., Brgy. Molino 4, Bacoor City;  Paulo Gonzales alyas Paul, 24, ng  Bernabe Compound, Brgy. Pulang­lupa, Las Piñas City; Jamir Lucas alyas Ryan, 30, ng Hawk St., East 2 Subd., Brgy. Molino 4, Bacoor City;  Glorie Ann Barrion, 19, ng Lot 27, Blk 28, Green Valley Subd., at Fredmar Dela Rosa, 27, ng Camia St., Green Valley Subd., pawang sa Brgy. Molino 2, Bacoor City.

Sa ulat, alas-2:45  ng hapon nang ilatag ang buy-bust operation sa Hawk St., East 2 Subd., Brgy. Molino 4 kung saan isang pulis ang nakipag-deal sa isa sa mga suspek na si Fida at dito bumili ng shabu. Habang nagkakaabutan ng droga at bayad na pera, kasama umano ni Fida ang apat pang nabanggit na suspek na nakumpiskahan ng anim na plastic sachet ng shabu na nasa 52 gramo at nagkakahalaga ng P353,600; isang weighing scale, pouch at P500 marked money.

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with