Kumander ng MNLF, 1 pa inutas sa korte
KIDAPAWAN CITY , Philippines — Patay ang 66-anyos na mataas na kumander ng Moro National Liberation Front o MNLF at ang kasama nito makaraang pagbabarilin ng suspek na sakay ng motorsiklo sa harap ng Hall of Justice sa Brgy. Sadaan, Midsayap, North Cotabato, Martes ng umaga.
Kinilala ni P/Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office ang biktima na sina Datu Lumambok Mananimbong, Division commander ng MNLF sa Central Mindanao at Bert Aran Camen, kapwa dead-on-arrival sa ospital.
Batay sa ulat, pasado alas-10:00 ng umaga habang nakatayo ang mga biktima sa harap ng korte nang paulanan ng bala ng ‘di kilalang suspek na naka-motorsiklo at saka mabilis na tumakas patungo sa bahagi ng Aleosan.
- Latest