^

Probinsiya

Mag-utol dedo sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mag-utol dedo sa ambush
Kinilala ang mga bik­tima na sina Samuel Pab­lo at Antonio Pablo, pawang nasa hustong gulang at mga residente ng Brgy Concepcion ng bayang ito.

MANILA, Philippines — Patay ang isang magkapatid matapos na bis­tayin ng bala ng hindi pa nakilalang mga armadong riding-in-tandem sa ambush sa kahabaan ng national road, Brgy. Poblacion, Cataingan, Masbate kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga bik­tima na sina Samuel Pab­lo at Antonio Pablo, pawang nasa hustong gulang at mga residente ng Brgy Concepcion ng bayang ito.

Ang mga biktima ay kapwa dead-on-the-spot sa insidente matapos na magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) V Director P/ Chief Supt Arnel Escobal, bandang alas- 10:20 ng gabi habang lulan ang magkapatid ng kulay itim na Lifan 110 motorcycle patungong Brgy. Poblacion nang sundan ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo. Pagsapit sa zigzag road sa lugar, bigla na lamang silang pinagbabaril ng mga salarin. Narekober ng mga nagrespondeng pulis sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal.45 pistol.

vuukle comment

CRIME

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with