Sa report na ipinalabas ni Central Luzon Police Director Chief Supt. Amador Corpus, bandang alas-9:45 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng General Tinio Municipal Police Station (MPS) sa Sitio Saudi, ng nasabing barangay laban sa target na si alyas “Abet” na umano’y notoryus at nasa drug watchlist ng pulisya.
Joven Cagande/File
Parak, ‘tulak’ utas sa shootout!
Christian Ryan Sta. Ana, Raymund Catindig, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2018 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, MANILA, Philippines — Bumulagta ang isang bagitong pulis at isang drug suspect matapos na mauwi sa engkuwentro ang ikinasang buy bust operation sa Barangay Pias, Gen. Tinio, Nueva Ecija noong Lunes ng gabi.

Sa report na ipinalabas ni Central Luzon Police Director Chief Supt. Amador Corpus, bandang alas-9:45 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng General Tinio Municipal Police Station (MPS) sa Sitio Saudi, ng nasabing barangay laban sa target na si alyas “Abet” na umano’y notoryus at nasa drug watchlist ng pulisya.

Nakahalata umano ang suspek matapos na mabentahan ng isang sachet ng shabu ang poseur buyer na pulis kaya’t naglabas ng baril at pinaputukan ang mga operatiba. ?Dahil dito, bumulagta agad si PO1 Mariano Emmanuel Caparas matapos na masapol ng bala sa dibdib subalit napatay din si Abet sa barilan.

Sinikap pang isugod ng kanyang mga kabaro si Caparas sa Medicare Community Hospital pero idineklarang dead-on-arrival.

Nasamsam  mula sa bangkay ni Abet ang baril nitong .9mm pistol, isang plastic sachet ng shabu at ang motorsiklong gamit nito sa pagdedeliber ng droga.

Tiniyak naman ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na tatanggap ng kaukulang benepisyo ang naulilang pamilya ni Caparas na nasawi sa pagtupad ng tungkulin.

BUY BUST OPERATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with