Karumal-dumal ang ginawang pagpatay sa Indian national na si Jindi Singh matapos na durugin ang kanyang ulo at sunugin pa umano ng kanyang sariling bayaw na si Surinder Singh sa loob ng kanilang apartment sa Santiago City, Isabela kamakalawa.
Kuha ni Raymund Catindig
Indian binasag ang ulo, sinunog pa ng bayaw
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2018 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Brutal ang sinapit na kamatayan ng isang Indian national na negosyante matapos na pagpapaluin sa ulo at tinangka pang litsunin ng kanyang sariling bayaw na kapwa Bumbay sa tinitirhan nilang apartment sa Centro West, Santiago City, Isabela noong Lunes. ?

Basag ang bungo at natusta ang dakong dibdib hanggang leeg ng biktimang si Jindi Singh, 27, ayon kay Chief Insp. Rolando Gatan, hepe ng Santiago City Police nang matagpuan ang bangkay nito sa loob ng kanyang tirahan.?

Nagtangka namang tumakas ang suspek na ni Surinder Singh, 40, na natuliro sa pangyayari nang madatnan ng mga pulis dakong tanghali pero naaresto.?

Sinabi ni Gatan na sa wikang Indian, paulit-ulit na itinanggi ng suspek ang krimen sa pamamagitan ng isang interpreter, gayong pinuna ng mga kapitbahay nito ang malimit na pag-aaway nilang magbayaw hanggang sa maganap ang krimen dakong alas-3:00 ng mada­ling araw.?

Nadiskubre ang pagpatay kay Jindi, nang dumalaw ang kaanak nito sa kanyang apartment at naamoy ang sunog na laman ng tao kaya’t ipinagbigay-alam agad sa pulisya.

?Away sa pera ang hinihinalang ugat ng alitan ng magbayaw na Bumbay na parehong may negosyong pagpapautang.

INDIAN NATIONAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with