Batay sa ulat ni Senior Insp. Calvin Placer Jr., hepe ng Nasipit Municipal Police, dead-on-arrival sa Nasipit District Hospital si Totong Sulaygay habang dinala naman sa isang ospital sa Butuan ang kasamahan nitong si Corporal Sahari Jamjahare ngunit binawian din ng buhay noong Sabado. Nasawi rin ang kanilang kasamang si Erwin Mandahinog nitong Lunes ng madaling araw.
3 CAFGU patay sa NPA ambush
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2018 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Bumulagta ang tatlong mga kasapi ng Citizen Armed Force Geographical Unit o CAFGU matapos tamba­ngan ng mga pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army o NPA sa bayan ng Nasapit, Agusan del Norte, nitong Sabado.

Batay sa ulat ni Senior Insp. Calvin Placer Jr., hepe ng Nasipit Municipal Police, dead-on-arrival sa Nasipit District Hospital si Totong Sulaygay habang dinala naman sa isang ospital sa Butuan ang kasamahan nitong si Corporal Sahari Jamjahare ngunit binawian din ng buhay noong Sabado. Nasawi rin ang kanilang kasamang si Erwin Mandahinog nitong Lunes ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, pinaulanan ng bala ng hindi pa kila­lang mga salarin ang mga biktima habang sakay ng habal-habal noong Sabado.

Sinisilip ng pulisya ang “paghihiganti” na posibleng motibo sa krimen dahil sa may kaaway umano ang isa sa tatlong biktima.

CITIZEN ARMED FORCE GEOGRAPHICAL UNIT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with