?Kinilala ni Chief Insp. Carol Lacuata ang sugatang pulis na si SPO2 Noren Bandao na miyembro ng La Trinidad Police Station habang ang napatay na suspek na umano’y nanloob sa boarding house ay si Jonathan Cabradilla, ng Irisan, Baguio City.?
‘Akyat-Bahay’ todas, pulis sugatan
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2018 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Patay ang isang hinihinalang miyembro ng “Akyat-Bahay Gang” habang malubhang nasugatan ang isang pulis matapos ang kanilang barilan sa loob ng isang boarding house sa Windy Hill, Upper Buyagan, La Trinidad, Benguet kamakalawa.

?Kinilala ni Chief Insp. Carol Lacuata ang sugatang pulis na si SPO2 Noren Bandao na miyembro ng La Trinidad Police Station habang ang napatay na suspek na umano’y nanloob sa boarding house ay si Jonathan Cabradilla, ng Irisan, Baguio City.?

Dakong alas-3:00 ng madaling araw, nabisto ng estudyanteng si Ainee Marero, 20, ang pagpasok ni Cabradilla kung kaya agad siyang humingi ng saklolo sa pulis sa kabilang kuwarto.?

Ayon sa report nabaril ni Cabradilla ang pulis sa bunganga subalit nagawa ng huli na makaganti at mapatay ang suspek bago siya mawalan nang ulirat.? Isinugod si Bandao sa Benguet Provincial Hospital kung saan siya inoobserbahan habang nakuha sa napatay na suspek ang cal.45 baril. Si Cabradilla ay napag-alamang may kaso ng pagnanakaw sa Cotabato at Bambang, Nueva Vizcaya.

AKYAT-BAHAY GANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with