Kinilala ni Chief Insp. Carol Lacuata, tagapagsalita ng Cordillera Police ang mga isinugod sa Rural Health Unit na sina Sgt. Leo Lobrino Jr., 39; Cpl. Rence Molina 40, Cpl. Peter Dela Cruz, 26; Pvt. Kenneth Cuello, 23, at Pvt. Aris Buensejo, 27, pawang sa 24th IB.
5 sundalo nalason sa kabute
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2018 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Limang sundalo ng Philippine Army ang isinugod sa hospital matapos na pinaniwalaang nalason sa kinaing kabute sa kanilang kampo sa Sitio Tinoon, Brgy. Labaan, Bucloc, Abra kahapon.

Kinilala ni Chief Insp. Carol Lacuata, tagapagsalita ng Cordillera Police ang mga isinugod sa Rural Health Unit na sina Sgt. Leo Lobrino Jr., 39; Cpl. Rence Molina 40, Cpl. Peter Dela Cruz, 26; Pvt. Kenneth Cuello, 23, at Pvt. Aris Buensejo, 27, pawang sa 24th IB.

Ayon sa report, nakaramdam ng magdamag na pagsusuka, pagkahilo, pana­nakit ng tiyan at pagtatae ang mga biktima matapos kainin ang mga kabuteng ligaw na kinuha sa kabundukan at nilantakan sa nagdaan nilang hapunan. ?Inoobserbahan pa rin sila sa hospital. (Joy Cantos)

MUSHROOM POISON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with