^

Probinsiya

Bomb expert utas, misis ng ‘Maute’ timbog

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Bomb expert utas, misis ng �Maute� timbog
Kinilala ni Major Ezra Balagtey, spokesman ng AFP Eastern Mindanao Command ang napatay na suspek na si Najib Calimba Pundog alyas Najib Hussein, isang bomb expert ng Maute terrorist group.

Parak sugatan sa sagupaan

MANILA, Philippines — Napaslang ang isang umano’y bomb expert ng Maute terrorist group habang isang pulis ang malubhang nasugatan matapos ang engkuwentro sa pinagsanib na elemento ng pulisya at militar na ikinaaresto ng misis ng umano’y lider ng te­roristang grupo sa magkahiwalay na operas­yon sa General Santos City nitong Lunes.

Kinilala ni Major Ezra Balagtey, spokesman ng AFP Eastern Mindanao Command ang napatay na suspek na si Najib Calimba Pundog alyas Najib Hussein, isang bomb expert ng Maute terrorist group.

Bandang alas–2:15 ng madaling araw nang magsagawa ng ope­rasyon ang pulisya at militar sa Zone 3, Block 5, Brgy. Fatima, Ge­neral Santos City.

Ayon kay Chief Supt. Marcelo Morales, director ng Police Regional Office (PRO) 12, si Pundong ay nakatala bilang No.1 sa mga miyembro ng grupong Maute na responsable sa Marawi City siege sa ilalim ng pamumuno ni Commander Abu Dar.

Nabatid na habang isinisilbi ang warrant of arrest na inisyu ng Judicial Branch 11 ng Malabang, Lanao del Sur laban kay Pundong nang magpapu­tok umano siya bunsod ng barilan ng magkabilang panig na ikinasugat ni PO3 Jerry Feo, miyembro ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) dahil sa tinamong apat na tama ng bala sa likod.

Nakuha sa suspek ang isang Glock .45 caliber pistol, isang Mitsubishi Sedan, isang bandila ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) terrorist, 2  granada at mga sangkap sa paggawa ng bomba.

Sa follow-up operations, nasakote naman dakong alas-7 ng umaga ang misis ni Abu Dar na si Nafisa Pundog sa safehouse ng grupo sa Purok Maunlad, Brgy. Apopong.

Pugante si Dar sa Marawi City jail noong 2016.

vuukle comment

EZRA BALAGTEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with