^

Probinsiya

2 bebot na ‘tulak’ tiklo sa P3.3-M shabu

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 bebot na �tulak� tiklo sa P3.3-M shabu
Arestado ang dalawang babae (kanan) na umano’y mga bigtime na tulak ng illegal na droga at nasamsaman sila ng may P3.3 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Datu Esmael Dasmariñas City, Cavite kamakalawa.
(Kuha ni Cristina Go Timbang)

CAVITE  , Philippines  —  Bumagsak sa Cavite Police Provincial Intelligence Branch (PIB) ang dalawang babae na pinaniniwalaang bigtime na “tulak” ng droga at nakumpiskahan ng may 300 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P3.3 milyon sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Jamila Sultan Alonto alias “Gemma Jose” at Lanie Jarique Garcia, kapwa ng Blk 49 Lot 11, Wa­ling-Waling St., Brgy Datu Esmael, Dasmarinas City.

Sa ulat, alas-4:30  ng hapon nang ilatag ng Cavite Police Provincial Intelligence Branch (PIB) ang buy-bust ope­ration laban sa dalawa dahil sa impormasyon na talamak na nagbebenta ng illegal na droga.

Matagumpay namang naaresto ang mga suspek matapos na isang pulis ang magpanggap na buyer at makipag-deal.

Narekober sa mga suspek ang isang transparent plastic sachet ng  shabu na tumitimbang ng may 150 gramo na binili sa buy-bust at nakuhanan pa sila 2 pang sachet ng shabu na may timbang na 300 gramo, at 7 bundles ng pekeng tig-P1,000 marked money.

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with