^

Probinsiya

3 sundalo patay, 2 sugatan sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 sundalo patay, 2 sugatan sa encounter
Ayon kay Col. Isa­gani Nato, spokesman ng AFP-Northern Luzon Command, naitala ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng 81st Infantry Battalion (IB) at mga teroristang NPA sa liblib na lugar ng Sitio Dandanac sa Brgy. Tamboan, Besao, Mt. Province bandang alas-2:50 ng hapon.

MANILA, Philippines — Tatlo na namang sundalo ng Philippine Army ang nalagas habang dalawa pa ang nasugatan matapos ang engkuwentro sa pagitan ng tropang gobyerno at ng mga teroristang New People’s Army (NPA) sa Mountain Province kamakalawa.

Ayon kay Col. Isa­gani Nato, spokesman ng AFP-Northern Luzon Command, naitala ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng 81st Infantry Battalion (IB) at mga teroristang NPA sa liblib na lugar ng Sitio Dandanac sa Brgy. Tamboan, Besao, Mt. Province bandang alas-2:50 ng hapon. Kasalukuyang nagsasagawa ng security patrol ang mga sundalo nang masabat ang grupo ng mga armadong rebelde na nauwi sa palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng tatlong oras na ikinasawi ng tatlong sundalo.

 Samantala, nagawang matangay ng teroristang grupo ang isang K3 squad automatic rifle, dalawang R4 rifles, isang M203 grenade launcher at isang Harris handheld radio sa nasabing engkuwentro. Sa kabila nito, nabawi ang nasabing mga armas na natangay sa mga sundalo sa clearing at pursuit operations.

Pinaniniwalaang mula sa grupo ng Kilusang Larangang Gue­rilya Ampis Command sa ilalim ng grupo ni Commander Digbay ang nakasagupa ng militar.

vuukle comment

PHILIPPINE ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with