^

Probinsiya

Mag-utol minasaker ng bayaw

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Mag-utol minasaker ng bayaw

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Patay ang mag­kapatid na magsasaka matapos na pagbabarilin ng kanilang mismong bayaw na kanilang ginulpi dahil sa dating alitan sa Sitio Quarry, Barangay Malapag, Carmen, North Cotabato, Linggo ng gabi.

Sa ulat ni PO2 Barry Crist Sanchez ng Carmen Police, kinilala ang mga biktima na sina Jerry Mijares Caw-it, 44-anyos at ang nakakatandang kapatid nito na si Alex, 49-anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, nangyari ang krimen dakong alas-7:00 ng gabi  kung saan pinasok sila ng kanilang bayaw na si Joel Eseguerra Talandron, 35-anyos at pinagbabaril.

Nauna rito, sinuntok umano ng magkapatid ang kanilang bayaw kaya sa sobrang galit ng huli ay pinasok nito ang bahay ng kanyang mga bayaw at niratrat gamit ang kalibre .45 na pistola.

Nagtamo ang mga biktima ng maraming tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan na naging dahilan ng agaran nilang kamatayan.

Nadakip na ng mga awtoridad ang suspek matapos ang ginawang krimen.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with