^

Probinsiya

Nanakit ng mga bata, nilikida

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Nanakit ng mga bata, nilikida
Dead-on-the-spot dahil sa tama ng punglo sa ulo ang ‘di pa kilalang biktima.

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  —   Bulagta ang isang lalaki na sinasabing may topak at madalas na nagiging bayolente at nananakit ng mga bata matapos pagbabarilin ng dalawang gunmen sa ilalim ng waiting shed sa harap ng Dimasalang Central School sa Brgy. Poblacion, Dimasalang, Masbate noong Linggo ng madaling araw. Dead-on-the-spot dahil sa tama ng punglo sa ulo ang ‘di pa kilalang biktima. Sa ulat, dakong ala-1 ng madaling araw, nagulantang ang mga residente sa dalawang magkakasunod na putok ng baril. Ilang sandali pa, nakitang papatakas ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo.

Nang puntahan ang pinanggalingan ng putok, nakitang duguan at patay na ang biktima. Matagal na umanong nakikitang palaboy-laboy ang biktima sa bayan at nagiging bayolente kapag sinumpong ng sakit sa pag-iisip. Ilang residente at bata na umano ang hinabol at sinaktan nito noong nakaraang mga araw. Nakuha sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng kalibre .45 pistol na baril. 
 

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with