^

Probinsiya

Konsehal utas, ex-vice mayor sugatan sa tandem

Arnell Ozaeta, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Konsehal utas, ex-vice mayor sugatan sa tandem
Dead on arrival sa ospital si Romel Luancing, Bgy councilor ng Bgy. Antipolo del Sur, Lipa City matapos barilin ng riding-in-tandem habang nakikipag-usap sa kapwa niya konsehal sa naturang barangay bandang alas-6:30 ng gabi.

BATANGAS  , Philippines  —  Patay ang isang konsehal ng barangay o kagawad samantalang sugatan ang dating vice mayor sa magkahiwalay na pamamaril ng riding-in-tandem suspects sa Batangas, Sabado ng gabi.

Dead on arrival sa ospital si Romel Luancing, Bgy councilor ng Bgy. Antipolo del Sur, Lipa City matapos barilin ng riding-in-tandem habang nakikipag-usap sa kapwa niya konsehal sa naturang barangay bandang alas-6:30 ng gabi.

Samantala, malubhang nasugatan si Ferdinand Ramos, 59-anyos, dating vice mayor ng Sto. Tomas Batangas nang barilin ng di kilalang mga salarin.

Sa ulat naman sa Camp Crame, pauwi na sa kanilang bahay si Ramos  mula sa simbahan ng Brgy. Poblacion  2 nang tamba­ngan ng gunman dakong alas-7:25 ng gabi. Kaagad siyang isinugod sa Saint Cabrini Hospital matapos magta mo ng sugat sa kaliwang pisngi sanhi ng tama ng bala ng baril. Lumalabas na naglakad lamang ang isang gunman ilang metro ang layo mula sa crime scene at saka sumakay sa isang motorsiklo na naghihintay sa kanya at saka mabilis na tumakas.

Si Ramos ay nagsilbing vice mayor ng Sto. Tomas, Batangas  mula taong 2013 hanggang 2016 at muling tumakbo sa pagka-bise subalit natalo.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with