^

Probinsiya

Rider nalasog sa SUV

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Rider nalasog sa SUV
Sa ulat, dakong alas-6:10 ng gabi, mabilis na binabagtas ng rider ang highway nang mawalan ng kontrol ang minamanehong motorsiklo nito sa palikong bahagi at inukopa ang linya ng kasalubong na SUV Montero (MER-06) na minamaneho ni Dennis Dino, 48, ng Brgy, Malabog, Daraga.

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Nalasog ang katawan ng isang 40-anyos na rider matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa kasalubong na SUV sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Bogtong, ng lungsod noong Sabado ng gabi. Sinubukan pang isugod ng Albay EMS Rescue Team sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital pero idineklarang patay ang biktimang si Alexander Balonso, ng Purok 3, Brgy. Sta. Misericordia, Sto. Domingo.

Sa ulat, dakong alas-6:10 ng gabi, mabilis na binabagtas ng rider ang highway nang mawalan ng kontrol ang minamanehong motorsiklo nito sa palikong bahagi at inukopa ang linya ng kasalubong na SUV Montero (MER-06) na minamaneho ni Dennis Dino, 48, ng Brgy, Malabog, Daraga. Matapos bumangga sa SUV, humataw pa ang katawan ng rider at kanyang motorsiklo sa gutter ng kalsada dahilan para agad na masawi. Sumuko naman sa rumespondeng mga pulis ang driver ng SUV.

vuukle comment

ACCIDENT

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with