^

Probinsiya

4 miyembro ng kulto utas sa shootout

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
4 miyembro ng kulto utas sa shootout
Sa report ng Zamboanga del Sur Police, dakong alas-5:30 ng umaga nang magsagawa ng law enforcement operation ang pinagsanib na mga elemento ng Midsalip Municipal Police Station (MPS) sa pamumuno ni Sr. Inspector Kenneth Soon, Task Force Tugis ng Regional Intelligence Division (RID) 9, Regional Mobile Force (RMF) 9 laban sa mga suspek sa Brgy. Cumarom, Midsalip ng lalawigan.
Miguel De Guzman/File

Kumakain ng lamang-loob ng tao

MANILA, Philippines — Bumulagta ang apat na miyembro ng isang kulto na umano’y kumakain ng lamang-loob ng tao matapos na makipagbarilan sa arresting team ng pulisya sa Midsalip, Zamboanga del Sur  kahapon ng umaga.

Sa report ng Zamboanga del Sur Police, dakong alas-5:30 ng umaga nang magsagawa ng law enforcement operation ang pinagsanib na mga elemento ng Midsalip Municipal Police Station (MPS) sa pamumuno ni Sr. Inspector Kenneth Soon, Task Force Tugis ng Regional Intelligence Division (RID) 9, Regional Mobile Force (RMF) 9 laban sa mga suspek sa Brgy. Cumarom, Midsalip ng lalawigan.

Nabatid na bitbit ang mandamiento de arresto laban sa mga suspek ay nagtungo sa lugar ang mga awtoridad upang arestuhin ang apat na miyembro ng kulto kaugnay ng kasong murder laban sa mga ito.

Ang grupo ay pinamumunuan nina Ramon Bantayan at Rondi Bantayan; pawang mga wanted na kriminal sa kanilang lugar at umano’y lider ng kulto.

Gayunman sa halip na sumuko ay nagpaputok ng baril ang mga armadong suspek na nagresulta sa palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig.

Sinasabing ang mga suspek ay mga notoryus na miyembro umano ng kulto na umano’y kinatatakutan kaugnay ng ulat na kumakain ang mga ito ng atay at lamang-loob ng tao.

Patuloy naman ang ope­rasyon laban sa iba pang miyembro ng grupo ng naturang kulto na nasa likod ng paghahasik ng karahasan sa nasabing lugar.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with