^

Probinsiya

Negosyanteng engr. utas sa ambush

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Negosyanteng engr. utas sa ambush
Kinilala ni P/Supt. Ponciano Zafra, hepe ng pulisya rito, ang biktima na si Engr. Manuel Gabriel Laxamana, 51, may-asawa ng Sitio Mampulog, Barangay Bitas, Cabanatuan City.
File Photo

CABANATUAN CITY, Philippines — Isang 51-anyos na inhinyero at matagumpay na negos­yante na kilala ring kaibigan ng media sa central Luzon ang napaslang makaraang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Mabini Street at Maharlika Highway, sakop ng Barangay Quezon District ng lungsod na ito noong Sabado ng gabi.

 Kinilala ni P/Supt. Ponciano Zafra, hepe ng pulisya rito, ang biktima na si Engr. Manuel Gabriel Laxamana, 51, may-asawa ng Sitio Mampulog, Barangay Bitas, Cabanatuan City.

Si Laxamana ang nagmamay-ari ng ilang prangkisa ng gasolinahan, may-rari rin ng subdivision at mga resort dito sa Cabanatuan City at Dingalan, Aurora. Tumatayo rin siyang pangulo ng organisasyon ng mga quarry operators at miyembro ng Central Luzon Media Association (CLMA) at “Operation Tulong” ng namayapang radio broadcaster at icon na si Joe Taruc.

 Sa imbestigasyon, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Mabini Extention sakay ng kulay pula na Mitsubishi Strada (NI 0836) nang paulanan siya ng bala ng mga suspek sakay ng motorsiklo sa may gilid ng Mercury Drug Store.

Bagama’t sugatan, nakatawid pa ang sasakyan ng biktima  sa Maharlika Highway at doon nabangga niya ang isang nakaparadang sasakyan sa tapat ng opisina ng Bauto-Hipolito Law Office. Galing ang biktima sa isang pagpupulong sa Brgy. Sta. Arcadia ng kanilang samahan ng quarry operators sa probinsiya.

vuukle comment

BUSINESSMAN DEAD IN AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with