^

Probinsiya

Piyesta binomba: 6 sugatan!

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Piyesta binomba: 6 sugatan!
Kinilala ni Chief Insp. Milgrace Driz, ang tagapagsalita ng Southern Mindanao police ang mga sugatan na sina Cecile Nuebe, 41; Catalino Bunol, 40 at Daisy Pandisigue, 18 habang sugatan naman ang tatlong mga bata na may edad 4, 8 at 9-anyos.

KIDAPAWAN CITY - Anim katao ang sugatan kabilang ang tatlong bata matapos na tamaan ng shrapnel ng sumambulat na improvised explosive device sa kasagsagan ng pagdiriwang ng fiesta sa Purok 1, Brgy. Bukal, Nabunturan, Compostela Valley, Sabado ng gabi.

Kinilala ni Chief Insp. Milgrace Driz, ang tagapagsalita ng Southern Mindanao police ang mga sugatan na sina Cecile Nuebe, 41; Catalino Bunol, 40 at Daisy Pandisigue, 18 habang sugatan naman ang tatlong mga bata na may edad 4, 8 at 9-anyos.

Ayon kay PO2 Marlon Torrefranca, ng Nabunturan Police, dakong alas-11:30 ng gabi habang kasagsagan ng kapiyestahan nang biglang umalingawngaw ang malakas na pagsabog.

Agad na isinugod sa ospital ang mga sugatan at rumesponde naman ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) Unit sa pinangyarihan ng pagsabog.

Iniimbestigahan pa ang insidente upang matukoy ang mga nasa likod ng nasabing pagbobomba.

vuukle comment

GRENADE BLAST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with