^

Probinsiya

3 kelot pinatay, ibinaon sa hukay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Tatlong lalaki na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang nadiskubreng nakabaon sa isang hukay at tadtad ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan sa bulubunduking lugar sa Brgy. Patalunan,  bayan ng Ragay sa Camarines Sur noong Sabado ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Ronil Nariz, 25 anyos; Antonio Bonagua, 19, at Roberto Nariz, 28, pawang residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga nang madiskubre ng isang residente ang nakabaong mga bangkay ng tatlong biktima na may mga sugat at  pinaniniwalaang tama ng mga bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa saksing si Ariel De Guzman, patungo sana siya sa kanyang niyugan nang makita ang bagong tinabunan na hukay. Nagtaka siya kung kaya kanya itong hinukay at laking gulat niya nang makita ang tatlong bangkay ng lalaki na nakasalansan sa mababaw na hukay. Pinaniniwalaang pinatay muna sa ibang lugar at saka  doon ibinaon ang mga biktima.

vuukle comment

SUMMARY EXECUTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with