^

Probinsiya

Tserman uli, itinumba ng tandem

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa na namang barangay chairman ang nasawi matapos na pagbabarilin ng  riding-in-tandem habang dumadalo ang opisyal sa isang Farmer’s Day activity sa bayan ng Surallah, South Cotabato, Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Pudi Ambalgan, nasa hustong gulang, punong barangay ng Upper Sepaka ng nasabing bayan.

Batay sa ulat, nang­yari ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga kung saan katatapos lamang ng parada sa isinagawang Farmer’s Festival sa naturang bayan. Nakasandal sa sasakyan ang tserman sa harap ng munisipyo nang barilin ng mga suspek.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang dibdib si Ambalgan mula sa hindi pa malamang uri ng kalibre ng baril.

Agad na isinugod sa pinakamalapit na ospital ang biktima habang tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo.

Sa hiwalay na pana­yam kay Surallah chief of police, Chief Inspector Jardi Mont Sibal, wala pa aniyang inilalabas na medical bulletin ng naturang opisyal habang nagpapatuloy ang hot pursuit operation laban sa mga suspek.

Naniniwala naman si Surallah Mayor Antonio Bendita na walang kaugnayan sa politika ang motibo ng pamamaril at pagpatay kay outgoing barangay chairman Pudi Ambalgan ng Upper Sepaka dahil natalo umano ang biktima noong nakaraang Barangay at SK election.

vuukle comment

CRIME

FARMER’S DAY ACTIVITY

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with