^

Probinsiya

‘Tulak’ todas sa drug bust

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN  , Philippines  —  Nasawi ang isa sa dalawang la­laking sinasabing nagpapakalat ng ilegal na shabu matapos na kumasa sa pulisya habang isinasagawa ang drug bust operation sa isang lugar sa Brgy. Agnaya, bayan ng Plaridel, Biyernes ng madaling araw.

Nakilala lamang sa alyas “Harold” ang suspek habang tinutugis ang kasama nito.

Sa ulat kay Provincial Director P/Sr. Supt. Chito Bersaluna, dakong alas-3:55 ng madaling araw nang makipagkita ang isang poseur buyer na pulis-Plaridel sa mga suspek sa isang lugar sa Brgy. Agnaya matapos na makumpirmang patuloy silang nagbebenta ng ilegal na droga sa natu­rang lugar.

Nang magkaabutan ng droga at bayad, dito na sumulpot ang iba pang mga operatiba upang arestuhin ang dalawa subalit agad umanong bumunot ng baril si Harold at pinaputukan ang mga pulis sanhi ng barilan na ikinasawi ng huli habang nakatakbo ang kasabwat nito.

Narekober ng mga rumespondeng SOCO sa crime scene ang isang .38 caliber revolver, mga bala, 10 plastic sachet ng shabu at P500 marked money.

vuukle comment

DRUG BUST OPERATION

ILEGAL NA SHABU

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with