Sa report ni Sr. Supt. Edwin Quilantes, officer-in-charge ng Batangas Police, dakong alas-9:00 ng gabi nang maglunsad ng operas­yon ang mga otoridad sa Barangay Tambo, Sico at Banay-Banay sa Lipa City.
3 pusher bulagta sa shootout
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong pinaghihinalaang kilabot na tulak ng droga ang bumulagta matapos na mauwi sa shootout ang Oplan Galugad ng mga otoridad sa magkakahiwalay na ope­rasyon sa lalawigan ng Ba­tangas noong Miyerkules ng gabi.

Sa report ni Sr. Supt. Edwin Quilantes, officer-in-charge ng Batangas Police, dakong alas-9:00 ng gabi nang maglunsad ng operas­yon ang mga otoridad sa Barangay Tambo, Sico at Banay-Banay sa Lipa City.

Isang suspek na inaalam pa ang pagkakakilanlan ang napatay ng pulisya matapos itong manlaban sa ikinasang buy-bust laban sa kanya.

Dakong alas-10:30 naman ng gabi, nang manlaban din ang suspek na si Ricky de Vera, 48 sa Brgy. Pulong Niyogan, Mabini sa mga otoridad kung saan tinamaan ng bala sa dibdib si PO2 Darwin Manzo sa barilan na iniligtas naman ng suot nitong bullet proof vest.

Nabaril naman ni Manzo na gumanti ng putok ang suspek na bumulagta sa insidente at idineklara ring dead-on-arrival sa Mabini General Hospital.

Sa operasyon naman sa Brgy. Balete, Batangas City ay napatay ang isa pang hinihinalang tulak na si Lorelito Velasquez, 50-anyos na sa halip na sumuko ay nakipagbarilan siya sa mga operatiba nang matunugang mga pulis ang kaniyang ka-deal sa tran­saksyon ng droga.

Narekober naman mula sa mga suspek ng 3 cal. 38 revolver, 32  sachet ng shabu, at drug paraphernalia’s.

OPLAN GALUGAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with