^

Probinsiya

Lola, 2 pa huli sa P1.1-M droga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Lola, 2 pa huli sa P1.1-M droga
Sa report ni Police Regional Office (PRO) IV A Director P/Chief Supt. Edward Carranza, kinilala ang nasakoteng matanda na si Estelita Andal, anak nitong si Circoncicion Andal, 59, at manugang na si Danilo Ramos, 32.

MANILA, Philippines — Nabitag ng mga elemento ng pulisya ang isang 82 anyos na lola at dalawa pang miyembro ng pamilya nito matapos mahulihan ng bulto ng shabu na nagkakahalaga ng P1.1 milyon sa buy bust operation sa lungsod ng Batangas kamakalawa ng gabi.

Sa report ni Police Regional Office (PRO) IV A Director P/Chief Supt. Edward Carranza, kinilala ang nasakoteng matanda na si Estelita Andal, anak nitong si Circoncicion Andal, 59, at manugang na si Danilo Ramos, 32.

 Bandang alas-11:00 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng pulisya laban sa target na matandang suspek na matagal nang nasa drug watch list sa Brgy. Calicanto ng lungsod.

 Nabatid na  naki-pagdeal ang matanda sa mga operatiba  na bibili ng 58 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P15,000.

Habang isinasagawa ang transakyon ay dito na dinakip ng mga operatiba ang mga suspek na pa­wang mga tulak ng droga sa kanilang lugar.

Lumilitaw pa sa imbestigasyon na ang mag-ina ay madalas magtungo sa lumang palengke ng lungsod kung saan nagbebenta ang mga ito ng shabu.

Maging ang manugang ng matanda ay naging aktibo rin sa pagtutulak ng droga.

Kasalukuyan na nga­yong humihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act of 2000.

vuukle comment

BUY BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with