^

Probinsiya

NPA officer tiklo sa Bohol

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumagsak sa pinagsanib na elemento ng militar at pulisya ang isang mataas na opisyal ng mga rebeldeng New People’s Army sa  isinagawang ope­rasyon sa Tagbilaran City, Bohol, ayon sa opisyal kahapon.

 Kinilala ni Brig. Gen. Dinoh Dolina, Commander  ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army, ang nasakoteng lider ng NPA na si Pedro Lumantas, gumagamit ng mga alyas na Dadoy, Andoy at Didoy, Deputy Secretary ng NPA Bohol Party Committee, Southern Bohol Regional Committee.

Ayon sa opisyal, si Lumantas ay nasakote  sa followup operations ng pinagsanib na puwersa ng Bohol Provincial Police Office at 47th Infantry Battalion ng PA  habang nagpapagamot sa tinamo nitong sugat sa Ramiro Hospital sa Tagbilaran City  na tinamo nito may limang araw na ang nakakalipas.

Nabatid  na may nakapag-tip sa tropa ng militar at pulisya na naka-confine sa Ramiro Hospital sa Tagbilaran City kaya agad silang nagsagawa ng operasyon na nagresulta sa pagkakabitag dito kamakailan.

Nabatid naman kay Lt. Elma Grace Remonde, Civil Military Operations Officer ng 47th IB na si Lumantas ay sangkot sa serye ng paghahasik ng terorismo sa Cebu at Bohol kabilang na ang ambush–slay sa dalawang CAFGU noong Abril at Mayo ng taong ito.

Napagalaman pa na si Lumantas ay may warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 47 sa Tagbilaran City.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with